everyday, i have a story i can't wait to tell
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

-linggo ng wika-
=sensya na sa mahabang kwento ah? alam kong boring. wahahaha.. sensya na rin sa "folder" di ko kasi alam ang tagalog nun e=
Kanina, itinawag ako ng aming guro sa Araling Panlipunan na si Bb. Reyes.
Habang kami ay pumipila, isinigaw ni Bb. Reyes ang aking pangalan at ako'y hinanap. Nang narinig ko ang aking pangalan, agad akong lumapit. Ipinaliwanag niya ang aking gawain mamaya. Sinabi niya na hanapin ko ang mga estudiyante na aking ipinili kahapon para sa pagpintura ng mukha[face painting] sa Multi-purpose Bldg.(kasi nga diba? linggo ng wika, so may mga booth doon para sa grade school) Sunod, ibinigay niya sa akin ang isang [folder]. Dito, ililista ko ang oras nang kami ay magsimula at matapos[time shift], ang petsa, ang mga myembro sa grupo, at ang aking lagda. Ipinakuha rin niya ako ng isang kaapat[1/4] na papel at ilalagay ko ang aking mga natutunan sa mga [booth] na naka tayo sa gilid-gilid ng Multi-purpose bldg. Ngunit, hindi ko alam kung papaano ko ito magagawa. Ako ay nasa isang [booth] lamang, gumagawa ng aking uh.. gawain. Hindi ko muna iyon inisip. Mayroon akong mas malaking problema na kailangang maayos. Pagkatapos niya maipaliwanag ang lahat na ito, sinabi niya na ipagtipon ko na ang mga myembro at kami ay mauna na habang ang klase ay maiwan sandali sa silid aralan. Ibinigay niya sa akin ang [folder] kumuha ako ng papel at panulat, at kami ay dumiretso sa MPB. Kami ay dali daling makarating roon. Nakipag karera pa nga kami sa pangkat nina Nica(Czare) Patungo din sila sa taas at wala lang. Trip lang namin magpabilisan paakyat. Nang kami nakarating na, agad kong nakita ang mga bata sa mababang baitang. Nileleksyonan sila nang aming guro sa Pilipino na si Gng. Francisco. Nang pagdating namin sa aming pwesto, agad nagsitakbuhan ang mga bata sa mababang baitang at pumila upang magpapintura. Ako ay nagulat dahil, hindi pa ako handa. Hindi ko pa naisulat ang mga ililista ko sa [folder] PATAY.
Habang ako'y nagahanda, ipinasabi ko kay Tiffany na sila muna ang magasikaso sa mga bata. Pagbalik ko, huwaw! Ang haba ng pila. Isa isa namin sila itinawag at ipinaupo. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa aking kasamahan. Ako'y punung-puno ng pawis. Padami ng padami ang mga problema. Maraming batang naghihintay, Nawawala ang lalagyanan ng pera, Nabutas ang lalagyanan ng tubig, at kulang ang oras upang maasikaso lahat.
Tatlong minuto na lamang ang naiwan, tumigil na ako sa aking gawain. Inilista ko na ang oras at pinirmahan.(?) "9:40-10:30" ang aking inilagay.
Itinawag ko na ang mga myembro sa grupo at kami'y bumalik sa aming silid aralan. Habang kami'y bumabalik, isinabi ko kay Alex[esguerra] na ako'y nagsisisi dahil hindi ako nakapag pahinga. Subalit[hehe..] ako ay natuwa dahil masaya rin naman makasama ang mga bata.
Dito nagtatapos ang aking kwento.
[ano!?] hahahah..
Salamat sa mga salita:
Carline Chiaco & Selena Sombrito for the word (oh, yea. naalala ko na.)- lagda
Johnel Leyble & Czare Aquino - isang kaapat[1/4]
Bianca Lomeda - ipagtipon(hehe, nakalimutan ko e)
Enzo Santos - booth = bot/BUTH. HAHA..